...literally and figuratively.
Literally:
Pauwi na kami ng blockmate ko, sabay kaming naglalakad pababa ng stairs, nang biglang parang may nagflash sa utak ko na para bang baka matapilok ako. Then in a snap, nahulog ako sa stairs. Totoo. Ang saklap pa ng pagkahulog ko; head first. Na-shock lahat ng taong nakakita. Basta ang alam ko lang paharap ako nahulog. Siyempre yung kasama ko sumigaw, then tinignan kung nagdugo ulo ko. Thank God hindi naman.
Kaso ang sakit ng bukol ko. Sana walang internal bleeding. Please.
Hindi ko rin talaga maalala kung bakit ako nalaglag. Hindi ko sure kung natapilok ba ako or nawalan ng balance. Ang tanging naaalala ko lang ay nung tapos na ko masubsob. Grabe. Ang tragic.
Major humiliation. Yung mga naka-saksi, nagkumpulan dun. Habang nakahawak ako sa right side ng noo ko, naka-cover yung mukha ko ng buhok ko. Sinadya ko yun. Alam kong di nila ako kilala, pero siyempre ayoko naman pag nakasalubong nila ko, malalaman nilang ako yung tangang nahulog sa stairs. Puro "shocks" rin ang naririnig ko mula sa mga babae. Sabi ko sa kasama ko, umalis na kami, as in magmadali na. Nahihiya na kasi ako. Gusto ko lang makawala sa center of attention.
Ang masaklap pa dito, may gasgas ako sa tuhod. Edi pumunta kami sa UST Health Service. Anak naman ng tipaklong, ang bumulaga sakin ay "Sorry, we're closed." Pano na kapag nabasag ulo ko? Pano na pag mas malala pa dun ang nangyari?
Dumiretso naman kami sa Emergency ng UST Hospital. Aba naman, porket wala silang nakikitang dugo, walang nag-a-approach! Mukha lang naman akong tanga dun for 5 minutes, hindi ko alam kung sinong kakausapin ko. Then nung may in-explain yung lalaki dun dahil minor injury lang ang natamo ko, umalis nalang ako. KAHIT MAN LANG COLD COMPRESS, BETADINE AT BAND-AID DI MAN LANG NILA BINIGAY!
Malas pa nito kasi pag-uwe ko, a-attend pa ko ng debut.
--
Figuratively:
Nasa debut na 'ko. Hindi ako nagpadala sa sugat at bukol ko sa ulo. Dazzling pa rin ako. (Yuck! LOL) Basta nung una, naligaw-ligaw pa kami as in.
Anyway, ok na sana ako e. Di ko alam invited din pala si past (yung kalandian ko nung HS na hindi naman naging kami, basta MU lang at siya ang dahilan ng mga kantang nagagawa ko before. Boohoo) at yung present niya. Oha. Na-shock lang naman ako. Well, supposedly okay na sakin. Okay naman talaga, awkward lang kasi hindi ako kinakausap nung girl. Sabagay bat naman niya ko kakausapin? Pero kung kinausap niya ko, hindi naman ako ganun ka-sama para dedmahin siya, irapan siya or worse sabunutan and gumawa ng iskandalo na dapat ako ang present ni past at hindi siya 'no. So ayun, natahimik lang ako bigla. Kasi pati 'tong kasama ko kinausap siya, e hindi pa naman dumating ang iba kong friends kaya wala na kong ibang ka-close dun.
Supposedly hindi ko yun dapat mararamdaman. Alin? Ewan, basta masakit sa mata. Hirap pa rin akong tignan siya. Kahit kinalabit niya ko para mag-hi--siyempre nag-hi rin ako--ang awkward pa rin talaga sakin! Bat ba hindi ko maramdaman yung looseness (hindi ko alam ang tugmang term) na supposedly dapat kong maramdaman after all these years. May katext naman ako nung time na yun na nilalandi ako. Bat ba hindi nalang dun mag-focus yung attention ko instead na maalala ang nakaraan?
Pero eventually, okay na. Pwede naman palang lumipat nalang sila ng table diyan, papahirapan pa 'ko. Pinaubaya na nga kita e, alam mo yun. Kahit na alam naming lahat--ibang tao and my closest friends--na someday, magbe-break din kayo. Hindi sa bitter ako. Inevitable yun, okay. Tsaka for sure si girl ang makikipag-break. Yes, I am so, totally sure.
Basta. Akala ko keri ko na. Keri ko naman pero hindi pa 100%. Insufficient closure kasi. Oh well.
Currently feeling: hurt :(