Scarlet_hue : Going plain for once!

About Me

Huh? Me? What'd you wanna know about me?
your name:

url:

your message:

March 22nd, 2010

how I wish I could just stop...

Posted by attribbidda at 01:18 AM on March 22, 2010.

 

Random?

March 21st, 2010

YAY!

Posted by nowtbook at 06:46 PM on March 21, 2010.

I'VE FOUND IT!

Ang matagal ko ng hinahanap na libro na nabasa ko nun bata pa ako! Bata, as in, Grade 4! Ten years old! HAHAHAHAHAHAH!

Pinapakilala ko pala sa inyo ang Newberry Award Winning Book na barabarabay ko lang napili sa gradeschool library dati (12 years ago... I think). Ito ang malupit na libro na nag-inspire sa akin na magsulat ng nobela nung Grade 4, na nasulat ko naman tapos makalipas ng ilang taon, nun binalikan ko yun ginawa kong nobela, nainis ako at tinapon ko. Ngayun, nireregret ko yun ginawa kong pagtapon, at patuloy na hinahanap ang librong nag-inspire sa akin ng kwentong yun. Just in case na mainspire ulit akong magsulat ng nobela. Ito rin pala ang libro na kinalimutan ko ang title, at ang akala ko lang na title nito ay "blueberry kiss," pero hindi pala. Title lang pala yun ng chapter, at hindi blueberry, kundi blackberry.

Anyway, nakakatawa lang kasi ang realization ko. Nun bata ako, pag nagbabasa, hindi ko talaga naiintindihan lahat. Maiintindihan ko, pero may ibang picture ang lalabas sa imagination ko, malayo sa description sa libro. Kaya kanina, nakailang ulit pa ako ng basa ng table of contents at last chapter bago ko maconclude na ito na nga ang librong nabasa ko ten years ago. Hindi ko ineexpect na ibang iba ang magiging dating sa akin ng kwento na'to. Pero ganun talaga siguro, dba? Parang yun dating rin sa akin nun napanood ko ulit yun "Sound of Music" after ilang years. Nagulat ako na may 'war theme' pala yun movie, akala ko kasi panay kanta lang sila at masasayang bata.

Well, binili ko na kaagad ang libro, kahit forbidden talaga akong bumili ng libro. Baka kasi hindi ko na mahanap yun same na libro na yun e. Tapos nagspend pa ako ng ilang oras kakahanap ng iisang libro na nabasa ko rin ten years ago, na talagang nagustuhan ko, pero hindi ko natapos... kasi patapos na yun school year nun, at kailangan ng ibalik lahat ng libro sa library. (Tapos nung nag-highschool na ako, hindi kami pinapayagan na pumasok sa gradeschool library, magkahiwalay kasi.) Nakalimutan ko rin ang title ng libro, at ang tanging clues ko lang din ay isa rin siyang Newberry Award book, na may supporting character na ang pangalan ay Ezra, na hindi makalakad at naka-wheel chair. Hindi ko maalala yun name ng girl na bumibisita sa kanya, ang main character at narrator ng kwento.

Marami na akong nabasang Newberry Books, pero etong dalawa lang talaga ang may impact sa akin. There was something in there stories that inspired me, hindi ko alam kung ano. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko man lang naisulat yun sa kahit na anong diary ko dati, kahit title man, o author. Haaay.

Para akong naghahanap ng missing part ng past ko. Haha. Gawan ba daw ng conspiracy.

//

 

 

 

PS: At pagkatapos ko bumili ng libro, may mini-concert akong naabutan sa SM North. Lupet ng mga nag-gigitara. Lalo na yun isa sa dulo. Sayang, wala nga lang akong camera, o kahit recorder. Ang sarap pakinggan yun kutingting ng kamay sa gitara. Naiiyak rin ako habang nakikinig sa kanila. Nagvivibrate yun malupit na passion nila sa music. Nakaka-touch.

 

1 were baffled.

LOVE STORIES...

Posted by boink.boink at 02:06 PM on March 21, 2010 in lub-dub.

Gusto kong manood ng movies...
Lalo na ang mga LOVE stories...
Para naman masabi ko sa sarili ko, na kahit papano,
may makikilala akong lalaki na tulad ng mga leading men sa pelikula...

4 were baffled.

March 19th, 2010

私はLです。

Posted by nowtbook at 08:17 PM on March 19, 2010.

(DISCLAIMER: SPOILERs coming at YOU.)

 

I am soooooo addicted to--------------

GRAABBBEEE!!! Ang cool pala nito. Okay okay, late na ako para magustuhan ito. I think naging big time ito two years ago. Akala ko naman kasi katulad din siya ng kahit na anong anime. Yun predictable. Yun tipong kakalabanin muna ang mga kampon, tapos ang bossing, tapos pag natalo na ang bossing, they all live happily ever after. May respeto naman ako sa mga anime na yun, syempre yun ang mga naunang anime e. Yuyu Hakusho, Flame of Recca, Samurai X, One Piece, Naruto... mga ganyan. Pero siguro kasi tumanda na ako... naghahanap ako ng excitement.

AT NAKITA KO SA DEATHNOTE!

Well, the characters are well made! Although syempre, hindi nawala ang "bishoujo" (handsome young main character) na si Light Yagami, at halos lahat na ata ng katangian nasa kanya. Pero infairness, nasa kanya nga rin talaga ang katangian ng totoong matalino. Manipulative, selfish... and such. It makes sense, dba? Kesa naman sa matalino na, tapos ang bait pa. Ang galing. At syempre ang idol ng bayan na si "L." Yun mga gestures niya at yun pagkahilig niya sa matatamis, it also makes sense. He has to be like that para makapag-deduce siya, at masolve ang mga kaso. And I really bet he is much more smarter than Light, pero tao lang siya, kaya hindi niya rin talaga kaya ang power ng Deathnote. Pero he definitely is a mark on the anime world. Basta, iba siya. Pag nakita niyo siya, alam mong wala ng ibang anime character ang may ganun katangian. I lerv!

At syempre, ang storyline! Para siyang may theme ng "Lord of the Flies" at "Catcher in the Rye." Humans against themselves. Young people wanting to save the world. Pero syempre, it all ends tragic. Hindi ko pa natatapos ang CD, pero alam kong mag-eend din siya tragically. Lahat ng bagay, pag pinu-pursue mo ng may "against" na tema, it can't be helped to end in tragedy. Yun mga nakatakas, ika nga, may mas matindi pang pinagdaanan bago sila naging "safe." Scars, marks, deaths, bloodshed... stuff.

Basta, ang ganda talaga ng Deathnote.

So kanina, sobrang adik ko sa Deathnote, nakikinig ako sa 2nd theme song nila habang naglalaro ng DoTA. Haha. Maingay, kasi may screaming, pero ang saya lang. Eto hanapin niyo: What's Up People? - Maximum the Hormone. Hahahahahahaha. Ang ingay niyan!

Tapos nagsusurf pa ako ng pictures ng real-live action na Deathnote. Ang cool looking ni L dun! Hahahaha.

Tapos naging fan na rin ako sa FB ni L. Lawliet pala ang real name niya.

Tapos nakita ko yun mga taong nagcocomment dun sa page. Natatawa ako, kasi parang gusto ko rin magcomment. Pero alam ko naman na hindi totoo si L, kahit meron nagcocomment back as L. Sa mga taong nagcocomment doon, si L ang diyos nila. Na sana hindi na lang siya daw namatay. Na turuan daw niya sila ng deduction techniques, reading codes, and such. Na sana pakasalan daw siya. Something like that.

Tapos kanina, habang naglalakad ako pabalik ng dorm, naisip ko kung paano nga kung totoo si L. Gusto ko siya maging kaibigan, despite acting such. Pero paano nga kung hindi natin alam lahat na siya ang pinaka-magaling na detective ng mundo, at ang tingin lang natin sa kanya ay isang mumunting autistic, na kakaiba umupo, at mahilig kumain ng chocolate. Honestly, pag stranger siya sa Dunkin Donut, o sa kung saan man ako nakatambay, hindi ko siya lalapitan, pero titingnan ko siya at oobserbahan. Hindi ko siya kakausapin, pero hindi ko siya pagtatawanan. Titingnan ko lang siya. Malamang ang karamihan ng sa atin, pagtatawanan siya, at tatawagin siyang "baliw" "weirdo" "autistic." Sino nga ba naman taong aarte ng ganun sa public? Tapos mukha ka pang hindi naliligo at hindi natutulog.

Cool lang si L talaga sa fiction, sa anime. Pero sa totoong buhay, cannot be applied.

Parang Deathnote. Gusto mo rin talaga magkaroon ng ganun. Bahala na, for justice, for evil doing, whatever. Yun lang ang tanging armas mo sa mundo na delekado. Armas mo rin para sa police. Armas mo sa security sa buhay (financial, anything goes). Hawak mo ang buhay ng bawat taong kilala mo. Sana nga totoo ang Deathnote, para majustify mo ang galit sa lahat ng taong gusto mong mawala na. Then, pag napatay mo na ang lahat ng gusto mo mapatay, tatawagin kang "kakoi" (cool) ng mga tao. Kasi pumapatay ka rin ng masasamang loob (disguised sa mga napapatay mong kaaway mo talaga). Ikaw ang hustisiya. Ikaw ang LAW. Kung sino man ang gagawa ng kasamaan, papatayin mo ng DEATHNOTE. Tapos hahanapin ka ng kapulisan. Pero alam nilang lahat na tama rin ang ginagawa mo. 

Paano kung totoo ang DEATHnote at napatay mo ang mga kilalang terrorista sa mundo? Cool na siguro yun. Pati rin yun mga sundalo na napagkamalan terrorista yun 43 na health workers, napatay mo. Cool na rin talaga yun. Napatay mo na ang lahat ng gumawa ng kasamaan. Kala mo nagawa mo na ang tama. Pero sa huli, lalong nahati ang mundo sa dalawa. Ang mga taong tinitingalaan ka, dahil kinakalaban mo ang hustisiya. At ang mga taong gusto kang ipapatay rin, dahil sa mga mahal nila sa buhay na pinatay mo.

Cool lang ang Deathnote sa anime. Pero sa totoong buhay, wala rin talagang magagawang "justice" ang simpleng notebook. 

 

 

 

  

Pero, hindi ba't lahat naman ng nagiging anime nanggaling sa totoong buhay? 

//

 

 

 

PS: hahahahha. ang saya. nagdownload ako ng soundtrack ng Deathnote, habang dinadownload ang "Rainbow" album ni Mariah Carey. :D

PPS: at dahil adik na rin pala ako, nag-aaral ulit ako ng Japanese. Imamaster ko siya ngayun Summer, habang nagiisip ng gagawin sa buhay.... haha. hinde, baka magwork lang ako.

   

  

  

I like cake too! c_smiling_big.gif

3 were baffled.

March 17th, 2010

there's nothing sweeter than a dinner date with mum and dad...

Posted by attribbidda at 09:41 PM on March 17, 2010.

lalo na kapag sagot mo kasi sweldo.

~~~

cheesy, but true.

Currently feeling: happy

4 were baffled.

TEKA LANG NAMAN.

Posted by gemini at 07:56 PM on March 17, 2010 in So YES The Drama, School Pinpoints, Daily Whatsoevers.

Grabe lang talaga yung mga requirements eh:

1. PGC Report - Saturday
2. BA Individual Project - Saturday
3. BA Long Fucking Test - Saturday
4. Envi. Sci. Report - Saturday
5. Fil Research Thesis - someday next week
6. English Book ReportSSSSSS; 3 books, thematic approach per chapter - Monday at wala pa akong nasisimulan

Utang na loob, palimos pa ng oras. Okay hindi ako nagpapa-extend para mag-summer, so okay fine gagawin ko na. Pero iba talaga kayo eh.

Imba.

Teka lang ha, ang dami niyo masyadong kailangan eh. Grabe.

Currently feeling: crammed & jampacked

1 were baffled.

Second Hand Finds

Posted by geri at 03:16 AM on March 17, 2010.

One of my other favorite things in the U.S. is it being a goldmine for second hand finds. Nothing makes my day more than coming home bringing a good bargain. I am careful not to buy things just because it’s dirt cheap, I make sure that I need them too...

Continue reading at www.thoughtsontransitions.com

Random?

March 16th, 2010

So, this is my life.

Posted by nowtbook at 06:25 PM on March 16, 2010.

Guess what I should be doing while in vacation?

 

 

________________________

 

PETITION FOR DISSOLUTION OF MARRIAGE

 

  1. Petitioner had lived in _______ for at least 6 months before the filing of this Petition for Dissolution of Marriage.
  2. Petitioner and Respondent are not members of the _____________
  3. The Parties were married to each other on _______ in the city of __________ and ceased living together on or about July 15, 2006.
  4. The parties have one minor child in common.....
  5. The petition for dissolution of marriage should be granted because the marriage is irretrievably broken.
  6. There are....
  7. The Petitioner/Husband forever gives up his right to spousal support (alimony) from Respondent.
  8. Petitioner request that her maiden name be restored...
WHEREFORE, the Petitioner/Wife, _____________, respectfully prays that this Court grant the following:
  1. Enter an order dissolving the marriage between the parties.
  2. For such other and further relief as this Court may deem appropriate.
_________________________
TREATMENT OF CHILDREN
  • ...
  • ...
  • ...
  • Children have a right to a loving open and continuing relationship with both parents. They ....
  • ...
_________________________
 
 
 
 
 
 
 
 
 
PS: This is the first, and hopelessly ultimately believing to be the last, time that I will be holding and seeing divorce papers, or any material that testifies such.
 
 
 
 
 
//
 
 
 
 
 
 
So now, ask me. Do I still believe in love?
 
 
 
 

 

5 were baffled.

« Newer | »