Biggest turn off of a guy is inserting every negative judgement or idea in a conversation. Dang, nakakabiwisit kaya yun ganyan.
I once dated a guy, who was sweet enough to treat me lunch. Pero nung nag-usap na kami, hala, sige, panay insert ng mga negative things. Kunyari, yun malalate sa school. Edi nag-share ako, kasi usually late naman talaga ako matulog. Usually rin mabagal din yun driver ng FX. Tapos nag-agree siya, ang malupet, nilait pa niya yun mga driver. Na sobrang tamad na nila, wala na silang pakealam sa mga pasahero. Na naka-sideways na lang umupo, na ang sarap daw murahin, na ang sarap turuan ng tamang way na mag-drive, at hindi na ako nakinig sa mga sumusunod niyang kwento, kahit na tumutungo-tungo ako. Inaalala ko lang yun tungkol sa jeepney driver, para may palatandaan ako na yun ang dahilan kaya ayoko na sa kanya. Naging Garbage In, Garbage Out na kaagad yun ibang mga bagay na kinwento niya. Oh by the way, hinayaan ko lang siya magkwento buong mag-damag. Pag naTO ako, I ask a lot of questions to keep the conversation going kunayari. Hindi namamalayan ni guy, siya lang ang nakakapag-share.
The worst thing was that he even invited me watching 500 Days of Summer, kung saan nakarelate ako ng malupet kay Summer, at kay Tom (kung may babaeng version lang si Tom). Pero yun sa panahon na yun, nakarelate ako kay Summer, at etong si guy, nakarelate kay Tom. Na-feel ko na feeling niya okay kaming dalawa, kasi I laugh a lot (which is a trait or habit I can't remove, whether something is funny or not). Pero hindi man lang napansin na hindi ako nag-share kahit isang kwento ko, panay reaction lang ako. Hindi man lang niya napansin na atat na akong umuwi noon. Hindi man lang niya napansin na pina-uuna ko siya maglakad kesa sa akin. Good thing we didn't end up holding hands, or anything of it. Ako pa mismo ang nagsundo sa kanya sa EDSA para sumakay ng bus. Ang alam niya, sasakay rin ako ng bus papuntang office. Pero bumalik ako ng gateway, at hinintay si Gleni, para sabay na kami pumuntang office.
Another thing, malalaman kong hindi ako kumportable sa taong kasama ko kapag nanliliit ang boses ko. As in pa-sweet or childish-like. It's not that I have a crush on you. Most of the time, I feel intimidated. Most of the time, narerecover ko naman yun natural voice ko, naibabalik ko yun guts ko. Pero yun time with that guy, kahit nung sinubukan ko siya tawagin the day after that date, my voice never changed. I still had that irritating small, pa-sweet voice. It's irritating, because it's not me.
So there. Summer's character is in everyone of us.
//
Okay, para fair, naranasan ko rin naman yun feeling ni Tom. I mean, hello, sino bang hindi? Akala mo siya na, kasi pareho kayo ng favorites, nagtatawanan kayo, nag-uusap kayo, niyayaya ka niya sa music room nung nagka-sakit ka, tutugtugan ka niya ng "My Immortal" sa piano, kukulitan ka niya sa umaga, papatawanin ka niya sa tanghali, tatabi siya sayo, sasabihin ng ibang klasmeyts mo na bagay kayo... stuff.
Pero hindi mo man lang napansin na minura ka niya nung na-promote kang Deputy Commander ng CAT, mas mataas pa kesa sa kanya. E ikaw kasi itong lampa nung umakyat kayo ng bundok, pero ikaw itong parating present at disiplinado sa platoon. Tapos masisira mo itong sumbrero niya, binilhan mo siya ng bago para makapag-sorry ka, binigay mo sa kanya sa umaga, at the end of the day, makikita mong nakatambak lang sa shelf ng classroom yun sumbrero. Makikita pa ni Guel, buti na lang kaibigan mo siya, aawayin niya itong lalakeng ito, bakit niya daw iniwan yun regalo mo sa kanya. Tapos pagsasabihan ka niya ng mga sweet stuff, tulad ng mag-dasal ka sa Diyos, huwag mong kakalimutan na isama kami ni Jenny, syempre diba best of friends naman kasi tayo, isama mo na kami sa pasasalamatan mo. Tapos ipapaheram niya sayo lahat ng gamit niya, pero ipapagawa na rin niya sayo lahat ng mga homework niya kasi ikaw nga naman nangunguna sa klase.
Tapos after five years, magiging friend mo siya sa facebook. May Link post ka, na kinomentan ni Lizzie, na kinomentan mo pabalik. Na biglaan na lang niya, itong taong mala-Summer ang dating, kokomentan ng "Kamusta na ang mga imberna kong klasmeyts?" Na kung pwede lang pumatay ng tao ang facebook, nagawa mo na yun sa kanya ng sampung libong daang beses, kung meron man ganyan.
Pero, well, hindi mo na siya crush after five years. Ayaw mo lang yun hangin niya.
Speaking of hangin, malakas din pala ang BO niya nung highschool. Pero dahil childish fanstasy mo ang mga quotations na "Pag mahal mo, tanggap mo hanggang buto," minahal mo na ng tuluyan ang malupet na BAD ODOR niya.
Ngayon na naiisip mo pa, buti na lang hindi naging kayo. Kundi namatay ka na ng million libong daan beses.
So, Tom's character is in everyone of us too.
//